mga makatang kuro-kuro



Tanungin Mo Ako   Magsalita ka!
 ()
Reblogged from palabas
palabas:

Patikul (Cinemalaya 2011, Joel Lamangan)

palabas:

Patikul (Cinemalaya 2011, Joel Lamangan)

(via deathbypopculture)

 ()
 ()
puwede bang i-control z ang pintigo mag-apple Q sa pagtibok? i-force quit o mag-reboot? panay space na lang kasi… o ‘di kaya nama’y option at shift.Mag-caps lock na sana’t‘di na mag-restart.para marinig na ang tweets,mapuno ng likes,makatanggap ng maraming pokes,magkaroon finally ng buzz,at maging in a relationshipang kuwento ng iyong pag-ibig.- virtual na pag-ibig, 111410

puwede bang i-control z ang pintig
o mag-apple Q sa pagtibok?
i-force quit o mag-reboot?
panay space na lang kasi…
o ‘di kaya nama’y option at shift.
Mag-caps lock na sana’t
‘di na mag-restart.
para marinig na ang tweets,
mapuno ng likes,
makatanggap ng maraming pokes,
magkaroon finally ng buzz,
at maging in a relationship
ang kuwento ng iyong pag-ibig.


- virtual na pag-ibig, 111410

 ()
Reblogged from thatswhatwedo
 ()
Reblogged from garyvsthoughts
We can no longer allow our past to destroy what God has for us in the present. We must admit the hidden issues threatening our destiny and confront them. T.D.Jakes (via garyvsthoughts)
 ()
Ilang Segundo sa PurgatoryoIsa-isang pinatayo,Pinapilang nakahubo,Mga ulo’y pinayuko,Saka humalik ang punglo.
***
Dalit na may Balangkas na Pasuysoy sa Patinig na O/UHimig na Naglalarawan, Tugmang Tudlikan
* maayos at maganda raw ang pagkakasulat nitong tulang ito ayon kay National Artist for Literature Rio Alma.
***
Alay para sa mga Biktima ng Maguindanao MassacrePeryodista, abugado at sibilyan,Lahat sila’y pasaherong tinambangan.Isa-isang pinababa sa sasakyan,Binarubal bago sila’y niratratan. Isandaan ang armadong dumagundong,Sa bisitang itinuring na ulupong.Parang party na nagdiwang ang pulutong,May regalong kamatayang pantalukbong.Ngunit lahat ng sikreto’y nabubunyag.Kumawala ang balita’t naglagalag.Gumulantang sa publiko na nahabag,Pinadakip ang pamilyang nanunuwag.Pero bakit wala pa ring nahatulanSa kabila ng matinding katibayan?Tila pangod itong pangil ng hukuman,Bingi’t bulag sa hinaing nitong bayan.***Awit na may tugmaang Tudlikan, Sesurang 4/4/4, Tinig na Patanghal, Himig na Naglilimi* kulang raw ang mga taludtod na naglilimi, kaya hindi ito masasabing nasa himig ng paglilimi
kgb.june25.2010

Ilang Segundo sa Purgatoryo

Isa-isang pinatayo,
Pinapilang nakahubo,
Mga ulo’y pinayuko,
Saka humalik ang punglo.

***

Dalit na may Balangkas na Pasuysoy sa Patinig na O/U
Himig na Naglalarawan, Tugmang Tudlikan

* maayos at maganda raw ang pagkakasulat nitong tulang ito ayon kay National Artist for Literature Rio Alma.

***


Alay para sa mga Biktima ng Maguindanao Massacre

Peryodista, abugado at sibilyan,
Lahat sila’y pasaherong tinambangan.
Isa-isang pinababa sa sasakyan,
Binarubal bago sila’y niratratan.

Isandaan ang armadong dumagundong,
Sa bisitang itinuring na ulupong.
Parang party na nagdiwang ang pulutong,
May regalong kamatayang pantalukbong.

Ngunit lahat ng sikreto’y nabubunyag.
Kumawala ang balita’t naglagalag.
Gumulantang sa publiko na nahabag,
Pinadakip ang pamilyang nanunuwag.

Pero bakit wala pa ring nahatulan
Sa kabila ng matinding katibayan?
Tila pangod itong pangil ng hukuman,
Bingi’t bulag sa hinaing nitong bayan.

***
Awit na may tugmaang Tudlikan,
Sesurang 4/4/4, Tinig na Patanghal, Himig na Naglilimi

* kulang raw ang mga taludtod na naglilimi, kaya hindi ito masasabing nasa himig ng paglilimi

kgb.june25.2010

 ()
Unahan sa Labasan
Lumalabas sa pintuang namimitpit,Daan-daang pasaherong nanggigitgit!Sumisiksik yakap ang bag nilang bitbit,Amoy-pawis, pero tuloy sa pagsitsit!
***
Awit (tulang may lalabindalawahing pantig at apat na taludtod)Tugmang DalisayTema: “Palabas”Sesurang 4/4/4
kgb. june 18, 2010

Unahan sa Labasan

Lumalabas sa pintuang namimitpit,
Daan-daang pasaherong nanggigitgit!
Sumisiksik yakap ang bag nilang bitbit,
Amoy-pawis, pero tuloy sa pagsitsit!

***

Awit (tulang may lalabindalawahing pantig at apat na taludtod)
Tugmang Dalisay
Tema: “Palabas”
Sesurang 4/4/4

kgb. june 18, 2010

 ()
Mula kay Lord
Pusong sa saya’y dayukdok,Itigil ang pagmumukmok.Ika’y dadalhin sa tuktok,Kung Siya ay iluluklok.
***
Dalit (tulang may walong pantigan na may apat na taludtod)Tugmang DalisayTema: “Papasok”
kgb. june 18, 2010

Mula kay Lord

Pusong sa saya’y dayukdok,
Itigil ang pagmumukmok.
Ika’y dadalhin sa tuktok,
Kung Siya ay iluluklok.

***

Dalit (tulang may walong pantigan na may apat na taludtod)
Tugmang Dalisay
Tema: “Papasok”

kgb. june 18, 2010

 ()
sabi iyan ni Lord.

sabi iyan ni Lord.

 ()
Pinagpala ka. Pinagpala tayo.

Pinagpala ka. Pinagpala tayo.